Friday, July 07, 2006

buhay yupie_elbi

tatlong linggo na akong iska ng bayan. (*ahem*ahem*)
at sa loob ng mga panahong iyon.. marami na akong natutunan, naranasan at naramdaman.

mahirap mawalay sa nakasanayang mong mundo. hindi mo rin maiwasan balik-balikan ang nakaraan at umasang babalik pa ang lahat ng ito.

kailangan mong matutunang mamuhay ng nag-iisa.

minsan mahirap, minsan masaya, minsan nakaka-iyak, minsan nakakasabik. patalon-talon ung puso mo sa isang bagay na hindi mo maipaliwanag. pakiramdam mo masyado mong pinipilit ung sarili mong makibagay, makisabay sa agos ng buhay, ng buhay elbi.

masasaya naman ang mga tao sa elbi. mababait naman sila. sa up ka nga lang talaga siguro makakatagpo ng mga tao mula sa iba't-ibang parte ng pilipinas. ang saya. hindi ka na bicolano, kapampangan, cebuano, bisaya o manilenyo sa up. PILIPINO ka. iisa ang dugo na nananalaytay sa aming mga ugat. iisang pananaw, iisang paninindigan.

lahat ng tao sa paligid mo matalino. minsan mahirap makisabay sa lebel ng utak nila. minsan naman mayabang ka at pakiramdam mo katulad mo sila. yung iba may halong ere ang pagkatao. ung iba naman, simpleng tao lang talaga na may angking talino. ang galing. ang sarap ng pakiramdam na mapabilang sa mga natatanging iskolar ng bayan.

marami pa akong kakaining bigas at ulam para masabing ganap na up student na nga ako. pero paunti-unti, natututunan ko na at naisasabuhay ang mga bagay na sa UP mo lamang mapupulot.

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]