Sunday, August 27, 2006

i say.

saan ba napupunta ang buwis ng milyung-milyong mga Pilipino? mayroon ba tayong magagarang mga gusali? maipagmamalaking mga kalsada? o kaya naman maaayos na paaralan para sa mga maralitang Pilipino?

wala diba?

ang tanging mayroon ang bansa ay isang bulok na sistema ng pamahalan na pinapatakbo ng mga makasariling politiko. oo ipagmayabang natin, kasama ang Pilipinas sa isa sa may pinaka corrupt na gobyerno sa mundo.
paano? bakit? hanggang kailan?
paano naaatim ng mga sakim na mga tao na ito na nagpapatakbo sa ating gobyerno ang magnakaw ng pera ng mga Pilipino?
bakit pa nila ito ginagawa? iyan ba talaga ang nagagawa ng pera, kapangyarihan at kasikatan?
hanggang kailan maghihirap ang tao sa bansang ito? hanggang kailan mananatiling pangarap ang pag-unlad ng bansa?
hanggang kailan tayo magtitiis?


simpleng kuryente at tubig o kaya'y isang maayos na gusali hindi man lang mabigay sa mga mag-aaral. napakaraming taong gustong matuto. napakaraming matatalinong utak ang hindi natutugunan ang kanilang pangangailan.

hinding hindi ko malilinutan ang eksena sa main library ng elbi kanina.

brownout. madilim ang paligid dahil maulan.ni hindi ko nga makita ung hagdaanan paatas eh. ang ilang mga estudyante napa upo na lamang sa sahig sa malapit sa bintana para kahit papano maka aninag ng araw. walang ni isang computer ang nagana. ilaw na lamang ng cellphone ang gamit para mailawan ang mga hinahanap na libro. kulang kulang ang mga card catalog, ung iba wala na doon dahil sira na. ang ibang drawer hindi na mabuksan dahil sa sobrang kalumaan. napakabaho ng lugar dahil sa mga lumang libro. napaka init dahil napaka kulob ng lugar.
SINONG MAKAKAPAG ARAL NG MATINO SA GANUNG KALAGAYAN?


mga opisyal ng pamahalaan, nasa inyong mga kamay ang lahat ng mga hakbangin para masolusyunan ito. huwag ibulsa ang buwis ng mga lalong naghihirap na mga Pilipino.

HINDI BA KAYO NAAAWA???


Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]