Wednesday, May 30, 2007
tsinelas.
kanina, may nakita akong isang matandang lalaki. to say "taong grasa" or "pulubi/palaboy" is such a cruel way to put it. parang social injustice. but in our everyday conversations we use these words. but now that i'm writing it down, it just feels wrong.
anyways,
sa sidewalk siya naka upo. may malaking plastic bag sa harap niya. naka yuko siya. akala ko nagsosort ng mga gamit niya. tapos nung nadaanan na siya nung kotse namin, nalaman ko na kung anong ginagawa niya.
inaayos niya yung tsinelas niya na natanggal yung pinaka strap. yun naman usually yung madalas masira diba? kakalaro ng patintero para sa mga bata, or sa sobrang gamit para sa mga katulad nila. pinipilit niya i-shoot ulit dun sa pinaka sole ung strap. gamit ang isang barbeque stick. binubutasan niya siguro.
tandang-tanda ko pa yung kulay nung tsinelas eh. black yung sole tapos yellow na strap. di siya yung medyo pasosyal pa na islander. basta yung tsinelas na goma. simpleng-simple. normal na normal.
isang tsinelas na pinipilit pa ayusin para magamit. isang tsinelas na sa ganoong kalagayan, dapat na talagang palitan.
samantalang ako, gumagastos ako ng 895php para sa isang tsinelas. para sa isang havaianas. di pa ako nakuntento sa isa, sa dalawa, sa tatlo, sa apat, sa ...
kalokohan.
nakakaguilty. pero anong magagawa ko? sabi nila, if you have the to money to spend, go. hindi ko naman ninanakaw yung mga perang pinang bili ko nun eh. pero nakakaguilty pa rin.
lalo pa't makakakita ka ng mga ganoong eksena. pero kung di ba ako bumili noon, magkakaroon ba siya ng isang bagong pares ng tsinelas? hindi diba? kung ibibili ko siguro lahat ng taong walang matinong tsinelas dito sa pilipinas, poverty na ako.
hindi yun joke. realidad yun.
mahirap ang bansa natin. pero anong magagawa ko? hindi ako superhero para i-ahon sa kahirapan ang bansa natin. pero kung isang araw, magiging superhero ako, alam ko na ang gagawin ko.
ibibili ko ng tsinelas ang bawat taong wala nito. ang mga walang kakayahang makabili nito.
paano pa ang pagkain? ang tubig? ang damit? ang bahay? ang edukasyon? ang kalusugan?
hindi yun joke. realidad yun.
Subscribe to Posts [Atom]