Sunday, September 28, 2008

the final bow.

"Pero I told myself pag naming kami ni pthree, kami na. Di ko na siya pagpapalit. That's final."

And it takes one single text message from him to finally move on.

You can never throw away three years. Well, technically five years because I've known this person since 2003 and we were never really just friends. Pasensya na, kailangan ko lang talagang isulat ito, once and for all. Para sa lahat ng taong concerned, involved, humahanga, nagdadasal, nagtatanong, curious, o simpleng nakikitsismis lang talaga, para sa inyo ito.

IT'S ALL OVER.

And I have this scared feeling that it is really over for good.

Mahirap. Masakit. Pero kailangan kong tanggapin na this is the best thing to do right now. Sabi nga nila, kung puro away nalang ang nangyayari sa isang relationship, it's better to end it nalang. Bakit ko ba kasi pinipilit lagi? Siguro nasanay lang akong andiyan siya. At nasanay lang din lahat ng tao sa paligid namin na andiyan kaming dalawa.

Pag wala siya, hinahanap hanap ko siya. Pag andiyan siya, nababaliwala ko lang siya.

All I could really offer was love, but then again, love is not enough.

I'm writing this with tears flowing down my eyes because, is it really over? I guess so. I believe so. I should learn to think so.

I have nothing but praises for you. Yung statement ko na 'you're the greatest man i know' (syempre bukod kay daddy) still holds true. You are one of the few people I know who has a good heart with the purest intentions. And siguro, if there's any consolation, I feel proud na minsan sa buhay mo, minahal mo ako, ng sobra sobra.

Salamat sa pagiging parte ng isa sa pinaka masayang bahagi ng buhay ko. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal at kung anu ang pagmamahal. Salamat sa lahat ng efforts mo. Minsan pag binabalikan ko, I feel that I'm not worthy of such. You deserve someone much better than I am at siguro napansin na yun ni Lord kaya siya na gumawa ng paraan para matigil na pagtitiis mo sa akin. You deserve all the greatness in this world, and I feel that I am not capable of giving you such. Siguro kung dumating man yung oras na kaya ko na pantayan yung efforts mo sa akin, wala ka na sa tabi ko. At yun na nga yung mangyayari.

Pero seryoso, minahal naman kita ng tunay. Yun nga lang, I always fall short. Sa effort, sa time, sa lahat. I'm sorry. I'm sorry hindi ko mapantayan yung level mo. I'm sorry matigas ang ulo ko, pasaway ako, lagi akong naglilihim, lagi kitang inaaway at tinatarayan. I'm sorry for not being the perfect girlfriend for you. I'm sorry lagi nalang ako nagttry at nagppromise, di ko naman magawa. Sorry sa lahat ng sakit sa ulo na nabigay ko sayo. Pasensya ka na sa tantrums ko. Pero salamat kasi ang tiyaga mo, imagine, nagtagal tayo, eh ang pasaway ko.

Salamat kay Lord pinahiram ka niya sa akin kahit ilang taon lang. I will never get tired of telling stories about 'us'. Alam kong purgang purga na ang mga tao dahil wala naman akong ibang bukambibig kundi ikaw. Siguro yun yung way ko of showing na mahal kita, yun nga lang siyempre hindi mo nakikita at nararamdaman kasi wala ka naman pag pinagmamalaki kita sa iba.

I will love you forever and sana maintindihan ng lahat na hindi ka na mapapalitan sa puso ko. Iba yung impact mo sa akin eh. Yung tipong kahit iba yung makatuluyan ko, makkwento pa rin kita. Yung ganun. Ang cute kaya. Ako natutuwa ako kasi naging ganun yung epekto mo sa akin. Sinabi ko naman sayo dati, I don't know lang kung naaalala mo pa, forever ka na sa heart ko whatever man ang mangyari sa atin. At seryoso ako dun.

***
BOY: Mahal mo pa ba ako?

GIRL: Nung nakita kita kanina, oo. You can't throw away 3 years. It will take time to fall out of love. Pero pag binabasa ko yung mga txts nating nag-aaway dati, di na talaga magwwork out ang relationship natin. Naniniwala akong kung tayo talaga, our paths will cross again someday. God will find a way.

Sana oo nalang yung nireply ko diba. Para natapos na lang. Masyado pa akong madaming sinabi eh.



It's time to finally move on and continue with our separate lives.




And,





I love you, that's it.

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]